Janella Salvador may trauma sa lasing

IBINAHAGI ng singer/actress na si Janella Salvador na may trauma siya sa mga lalaking lasing matapos makaranas ng pang-aabuso.

Bagaman hindi nagbanggit ng pangalan ang aktres, matatandaan na nagkaroon ito ng isyu sa dati niyang boyfriend na si Elmo Magalona dahil sa diumano’y nasaktan siya nito habang ito ay lasing.

Pero chika niya, okay na siya at na-let go niya na ito.

“May trauma siyang nadulot sakin. Naforgive ko naman na. Ako as a person, mabilis ako mag-forgive. Hindi ako nagho-hold ng grudges kasi gusto ko peaceful tayo pero hindi kami nagkaroon ng closure. I just chose to — okay na, let go ko na,” chika niya.

Hindi naman idinetalye ni Janella ang pinakadahilan sa pagkakaroon niya ng trauma sa mga lasing.

“Actually, ‘yung naging trauma sa ‘kin hindi ‘yung physical part e. I have never talked about this. I won’t go into detail na lang pero ‘yung part na na-trauma ako for some reason is being around drunk people, drunk men. Pag lalaki, tapos lasing, tapos wala sa sarili, doon ako na-trauma.”

Pero naiintindihan naman niya ang partner na si Markus Paterson na hindi maiiwasanh mag-party lalo na’t mas bata ito sa kanya.

“Syempre he’s [Markus Paterson] younger, hindi niya maiwasan na gusto niyang mag-enjoy minsan. Hindi niya naman din kasalanan na may trauma ako pero we’re trying to work on it,” kwento niya.