Jake ayaw patinag kahit Leni sadsad sa survey

PINANINDIGAN ng aktor na si Jake Ejercito ang pagiging kakampink kahit pa bumaba nang bahagya sa survey ang sinusuportahan sa pagkapangulo na si Vice President Leni Robredo.

Sa Twitter, nag-post ang anak ni dating Pangulong Joseph Estrada ng kanyang photo na suot ang hoodie na may image ni Robredo.

Caption niya: “15% represent.”

Pinatutungkulan niya rito ang nakuha ni Robredo sa pinakahuling presidential survey ng Pulse Asia.

Nakakuha naman ang nangunguna sa survey na si dating Sen. Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ng 60%.