Cessna plane nag-crash sa Zambales, 7 sugatan

PITONG piloto ang nasugatan matapos mag-crash ang eroplanong kanilang sinasakyan sa Iba, Zambales, Huwebes ng umaga.

Sa ulat ng PNP Region 3, nag-crash alas-7:05 ng umaga ang Cessna plane (RPC 5230) sa dalampasigan sa Purok 3, barangay Rosario sa bayan ng Iba.

Sakay nito ang mga pilot-in-command na si Captain Mel Bidayan; at mga kapwa pilotong sina Captain Florencio Ruiz, Captain Jamel Reamon, Captain Albrench Sagario, Captain Carmelita Bidayan, Captain Ian Vincent Agdamag, at Captain Robin Austria, pawang mga naka-assigned sa SBFZ SBMA Airport sa Olongapo City.

Ayon kay Bidayan posibleng mechanical failure ang dahilan ng crash.