Ivana Alawi dumaan sa hirap: ‘Toyo lang ulam namin dati’

DUMANAS muna ng matinding hirap ang actress/vlogger na si Ivana Alawi bago niya na-achieve ang kanyang mga pangarap.


“Akala ng iba hindi ako dumaan sa hirap, hindi ako dumaan sa times na wala kaming makain,” sey ni Ivana.


“Dumaan din ako du’n way, way back, pagdating ko sa Pilipinas. Yung mama ko laging nangungutang kasi wala kaming makain,” kuwento niya.


May pagkakataon pa na kumakain sila nang walang ulam. “Dumating kami sa point na toyo at saka kanin kasi wala na siya mautangan,” aniya.


Nang subukin niyang maghanap ng trabaho, sinabi ni Ivana, na walang tumatanggap sa kanya.


“Wala akong naging raket kasi pangit ako,” sey niya. “Gusto nila matatangkad. So, hindi ako pumapasa.” –A. Mae Rodriguez