Park Seo Joon bibida sa ‘Captain Marvel 2′?

BULUNG-BULUNGAN online ang balita na bibida ang Korean superstar na si Park Seo Joon sa sequel ng “Captain Marvel.”
Base sa mga ulat ng Soomli at KoreaBoo, may malaking role na ino-offer kay Park Seo Joon para sa pelikulang “The Marvels.”


Iniulat din ng dalawang Korean news outlets na nakatakda nang lumipad pa-US ang aktor para sa pagsisimula ng shooting.


Sa kasalukuyan ay wala pang kumpirmasyon ukol sa ulat ang Marvel Studios at ang management ng aktor na Awesome ENT.


Umikot ang kwento ng “Captain Marvel” sa pilot na si Carol Danvers (Brie Larson) na napagitna sa gera ng dalawang alien civilizations. –A. Mae Rodriguez