FB account ni Cassy na-hack

INANUNSYO ng TV personality na si Cassy Legaspi na matagal nang na-hack ang official Facebook account niya na mayroong 21 million followers.

Sa Instagram, nakiusap ang unica hija nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa kanyang mga supporters na i-report ang account.

“This Facebook account used to be mine until it was hacked in 2021,” ani Cassy.

“So to clear things up, this account is currently hacked and not handled by me,” dagdag niya. “Would like to ask for help to report this account.”

Makikita sa nasabing page na pawang mga larawan at video nina Cassy at ng kanyang “best friend” na si Darren Espanto ang naka-upload.

Kaugnay nito, pinag-iingat ng mga fans ni Cassy ang mga netizens na huwag paniwalaan ang laman ng nasabing account.

“Yung nang-hack gumagawa ng issue para mabash si Cassy Legaspi so please be wise sa mga nakikita at nababasa online,” ayon sa mga ito.