Ex ni Britney nag-gatecrash sa kasal ng singer

NAG-GATECRASH ang dating asawa ng “Toxic” singer na si Britney Spears na si Jason Alexander sa kasal nito kay Sam Ashgari nitong Huwebes sa California.

Ikinasal si Britney ang Ashgari pitong buwan matapos makalaya ang singer mula sa conservatorship ng ama na sinasabing humahadlang sa kanilang pag-iisang dibdib.

Pero bago pa maikasal ang singer kay Ashgari, sandaling nabulabog ang preparasyon ng mag-gatecrash ang dating asawa na si Alexander.  

Ini-livestream sa Instagram ni Alexander ang seremonya na ginawa sa loob ng bahay ni Britney, dahilan para magkagulo, at saka siya inaresto.

“He was able to find his way onto the property and was confronted by security,” ayon sa pulisya.

“An altercation occurred with the security officers and that’s where the battery occurred… and during the altercation an item was broken, so that’s where the vandalism comes into play. And by being on private property, the trespass comes into play.”

Naging mag-asawa sina Britney at Alexander noong 2004 sa loob lamang ng 55 oras.