Erasereads may reunion?

ITO ang tanong ng publiko makaraang halos sabay-sabay na naglabas ng cryptic post ang mga miyembro ng tanyag na banda ngayong araw.

Sa kani-kaniyang Instagram accounts, inilabas nina Ely Buendia, Buddy Zabala, Raymund Marasigan, at Marcus Adoro ang magkakatulad na larawan ng letrang “E.”

Maliban doon ay wala nang binanggit ang mga ito. Wala rin silang isinulat na caption.

Dahil dito, napa-OMG ang kanilang mga fans, kabilang ang ilang celebrities, na matagal nang umaasa sa kanilang reunion.

Ang grupo na nagpasikat sa mga awiting “Ang Huling El Bimbo,” “Alapaap,” at “Magasin.”

Matatandaan na noong Oktubre 2021 ay sinabi ni Ely na maaaring magkaroon ng reunion ang kanilang banda kung tatakbo sa pagkapangulo ang noon ay bise presidente na si Leni Robredo.

Huling nagkasama-sama sa entablado ang Eraserhead noong 2016.