Coco wala pang follow-up sa ‘Ang Probinsyano’

WALA pang nakalatag na plano si Coco Martin at ang ABS-CBN sa susunod niyang proyekto matapos ang “FPJ’s Ang Probinsyano” nitong Biyernes.

Sa isang panayam, inamin ni Coco na hindi niya alam kung matutuloy ang napapabalitang remake ng isa pang Fernando Poe Jr. movie na “Batang Quiapo.”

“Honestly, hindi ko pa alam. Ayaw pa akong gambalain ng mga boss eh, or pag-usapan o pag-meetingan,” ani Coco.

“Siguro after ng mga tour, ng mga mall shows, dahil meron pa kaming US tour, saka namin pag-uusapan kung ano ‘yung next,” dagdag niya.

“Actually, hindi ko pa alam. Honestly, nakarating na sa akin ‘yun. Pero, para sa akin, management ang magdedesisyon. Kasi para sa akin, basta kung ano sa alam ko ‘yung makakapagpasaya sa mga manonood,” sabi pa ng aktor.