Vice masaya lang pero di maligaya–Cristy

MAY bago na namang paandar ang show biz columnist at host na si Cristy Fermin patungkol kay Vice Ganda.

Sa latest episode ng kanyang “Showbiz Now Na” show, sinabi ni Cristy na naniniwala siya na walang peace of mind si Vice.

Hanash ni Cristy:

“Yung kaligayahan, kakambal ng peace of mind. Kapag meron kang kapanatagan ng kalooban, hindi lalayo ang kaligayahan, ganu’n ‘yon.

“Ako naman ang punto ko, hindi pa rin siya maligaya. Masaya lang siya, magkaiba ‘yon e, Kapag maligaya ka sa estado ng buhay mo at ng pangarap mo, hindi ka na hahanap pa ng stress.

“Hindi mo na bibigyan ng pagpapahalaga ‘yung nagaganap sa paligid mo lalo naman kung walang naitutulong sa iyo. Hindi ka na bibili ng kaaway, hindi ka papatol sa mga bashers, hindi ka makikipagaway sa mga Marites, kasi secure na secure ka na e, alam mo na maligaya ka na at meron ka nang peace of mind.”

Noong isang linggo, inihayag ni Cristy na tila nilalamig na ang relasyon ng mag-asawang Vice at Ion Perez.

Ipinaliwanag niya na ang paglabas ng Vice kasama ang mga kaibigan sa gabi ang pruweba na may iniindang problema ang TV host-comedian.

Pinasasaringan naman si Cristy ni Ion na sinabing walang matinong lumalabas sa bibig nito.

“Uy 2022 na iilan na lang yung araw mo sa mundo,” hirit pa ni Ion.