Celeste Cortesi ng Pasay tinanghal na Miss Universe PH

TINANGHAL na Miss Universe Philippines si Celeste Cortesi Sabado ng gabi sa Pasay City.

Naiuwi ni Cortesi, isang Filipina-Italian, ang korona matapos daigin ang 31 kandidata sa ginawang coronation night sa Mall of Asia Arena, at papalit kay Miss Universe PH Beatrice Luigi Gomez.

Ikalawang national title na ito para kay Cortesi. Noong 2018, kinoronahan siya Miss Philippines Earth at pumasok sa Top 8 sa global competition na ginawa sa Pilipinas.

Tinanghal namang Miss Tourism si Michelle Dee ng Makati habang Miss Charity naman si Pauline Amelinckx.

First runner-up naman si Misamis Oriental Annabelle McDonell at Katrina Llegado ng Taguig ang second runner-up.