Presyo ng langis may bawas presyo

MAGPAPATUPAD ng bawas presyo ang mga kompanya ng langis ngayong Martes, Mayo 3, 2022.

Base sa pagtaya ng Mean of Platts (MOPS) Singapore, aabot mula P1.10 hanggang P1.20 ang ibabawas sa diesel, samantalang 60 hanggang 70 sentimo kada litro naman sa gasolina.

Nitong nakaraang Martes, tumaas ang diesel ng P4.10 kada litro ang diesel, P3 kada litro ang gasolina, at P3.50 kada litro ang kerosene.