Winwyn Marquez nanganak na

IPINAKILALA sa publiko ni Winwyn Marquez ang kanyang bagong-silang na baby na si Luna Teresita Rayn.

Sa Instagram, ipinost ni Winwyn ang photo ng anak na tinawag niyang “our little princess.”

Hindi naman sinabi ng Kapuso actress kung kailan ipinanganak si Luna.

Binati naman ng mga kapwa celebrities si Winwyn sa “blessing” na dumating sa kanyang buhay. Kabilang dito sin Carla Abellana, MJ Lastimosa, Enzo Pineda, Rita Daniela, Rocco Nacino at Jackielou Blanco.