Bong mamimigay ng 2 kotse sa birthday raffle

SA pagdiriwang ng kanyang ika-56 kaarawan sa Linggo, dalawang brand-new car ang ipara-raffle ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.

Maliban dito, mamimigay rin ng 10 motorsiklo, laptop units, at cash prizes (P100,000, P50,000, P20,000, P10,000 at P1,000) sa “Alyas Pogi Birthday Giveaway.’

Magaganap ang pa-raffle, dagdag ni Bong, sa Facebook live.

“Handog natin ‘yan sa mga kaibigan natin, sa mga fans natin. Pagbibigay ito ng pag-asa dahil may pandemya pa rin hanggang ngayon… ‘Yung unang kotse, galing sa mga kabigan nating sponsors. ‘Yung pangalawang kotse naman, galing sa mga kapatid ko,” sabi niya.

Thanksgiving rin ito aniya para sa mga blessings na tinatamasa niya at ng kanyang pamilya.