Bianca nagbakasyon sa Japan, dedma sa cheating issue

MATAPOS mag-trending hinggil sa cheating issue, nagbakasyon si Bianca Manalo sa Japan kasama ang kanyang pamilya pero wala ang kanyang longtime boyfriend na si Senador Sherwin Gatchalian.

Bago ito, trending simula nitong Miyerkules hanggang ngayon si Bianca kasa ang nalilink sa kanya na aktor na Rob Gomez at kapwa beauty queen na si Herlene Budol.

Sa serye ng Instagram stories, makikita si Bianca na kasama ang inang si Gloria at mga kapamilya sakay ng Narita express train, isang mirror selfie, at habang nagdi-dinner ang kanilang grupo.

Nag-post si Bianca isang araw matapos kumalat sa social media ang umano’y convo nila ni Rob sa IG at Telegram.

“You didn’t reply on Telegram. Meron ka na naman na pick-up na ibang girl noh,” mensahe umano niya kay Rob.

Sa hiwalay na mensahe kay Rob, sinabi umano ni Bianca na “Kaya mo pumunta that early? 7 am? Brought my dogs here sa Makati. Let me know para I can go back to BGC early to see you before I leave at 10 am…He’s not here. He’s in Valenzuela.”

Ilang taon na ring magkasintahan sina Bianca at ang senador.