Bea, ina bumisita sa Lourdes; ipinagdasal biktima ng bagyo

MALIBAN sa paggagaling ng ina na si Mary Ann Ranollo, ipinagdasal din ni Bea Alonzo sa mapaghimalang Sanctuary of Our Lady of Lourdes sa Lourdes, France ang mga biktima ng bagyong #PaengPH.

Ibinahagi ni Bea sa Instagram ang pagbisita nilang mag-ina sa Lourdes.

“First time in Lourdes, and I know we will be back with the rest of our family,” ani Bea.
Dagdag niya: “Prayed for mom’s healing.”

Ipinagtirik din ni Bea ng kandila ang mga Pinoy na nasawi at naapektuhan ng bagyo.

“Sending love and light to the families affected by the typhoon,” aniya.

Bago ito, dinala ni Bea ang ina sa Madrid, Spain para ipakita rito ang nabili niyang apartment.