Jomari, Abby magpapakasal

PAKAKASALAN ni Jomari Yllana ang girlfriend na si Abby Viduya bago ang pagtatapos ng kanyang ikatlo at huling termino bilang konsehal ng Paranaque sa 2025.

Ito ang inanunsyo ni Jomari sa panayam ng ABS-CBN.

“We are both pacing ourselves when is the best time to tie the knot and where. This is my last term as councilor. I don’t know where destiny will lead me in politics. I want to marry Abby before I end my term,” ani Jomari.

Matatandaan na naging magkasintahan sina Jomari at Abby (dating Priscilla Almeda) noong sila ay 15-taong-gulang.

Ayon kay Abby, simpleng kasal lang ang gusto niya. “But Jom wants to see me walk down the aisle. That’s what he always tells me,” dagdag niya.

“We are already three years together, but the thrill to be with him never disappears,” sey ng dating aktres kaya pumayag siyang pakasal sa aktor-politiko.