Old but good looking na aktres matindi kung makabira sa gobyerno

MATINDI pala ang hugot ng isang may edad na rin namang aktres kaya ganun na lang ang kanyang ginagawang pambabash araw-araw sa isang mataas na government official.

Si aktres ay kilalang tagahanga ng dating administrasyon at nabigyan pa nga noon ng pwesto sa pamahalaan.

Nang mabago ang mga nakapwesto sa Malacanang ay marami ang nakapuna sa halos ay araw-araw na pambibira ng aktres sa kasalukuyang administrasyon.

Sinabi ng aking spotter na baka nagmamalasakit lang ang aktres sa dati niyang jowa na pulitiko na kababayan ng tinutukoy nating opisyal.

Inilampaso kasi ng pamilya ni Mr. Government Official ang grupo ni Ex-Politician noong nakalipas na halalan.

Idinagdag pa ng aking spotter na malamang ay hindi pa rin nakaka-move on ang aktres sa kanyang “feelings” sa talunang pulitiko.

Minsan kasing naging marubdob ang kanilang relasyon na pinag-usapan nang husto noong dekada 80.

Isang malaking iskandalo ang kanilang kinasangkutan noong panahong iyun bagay na alam na alam ng mga mahilig sa pelikula noong araw.

Sa pananalasa ng bagyong Paeng ay mas naging aktibo sa kanyang social media ang matanda pero beautiful pa rin namang aktres.

Halos oras-oras ang kanyang ginagawang pagbatikos sa aksyon ng pamahalaan sa mga nabiktima ng bagyo.

Ikinukumpara niya ang mga aksyon ng nagdaang administrasyon sa mga hakbangin ng kasalukuyang pamahalaan.

Di na kailangan ang clue dahil kilalang-kilala nyo ang ating bida na naging pantasya rin ng maraming kalalakihan noong kanyang kasikatan dahil sa mahusay na pagsasayaw ng Lambada.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]