Angeline Quinto buntis nga ba?

ANG singer na si Angeline Quinto ang itinuturo ng netizens na bida sa blind item ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz ukol sa isang singer na buntis sa ikalawang anak.

Sa kanyang online show na “Showbiz Update,” isiniwalat ni Ogie na sa mga susunod na araw ay iaanunsyo ng singer na nagdadalang-tao ito.

“One of these days talaga, mapapa-declare itong singer na ito na baka magpahinga muna siya or magpatuloy pa rin sa kanyang trabaho since kaya naman niya ang pagbubuntis niya,” wika ni Ogie.

“Pero excited siya sa kanilang second baby,” dagdag niya. Unang clue si Ogie ay non-showbiz ang partner ng singer pero madalas makita sa social media.

May “initials” ang singer, chika pa niya, na katunog ng “Ikaw o Ako”. “Parang ganoon bigkasin ang kanyang initials,” paliwanag ng showbiz insider.

Sa susunod na buwan ay ipagdiriwang ni Sylvio, anak nina Angeline at Nonrev Daquina, ang ikalawang kaarawan nito.