Andrea naging ‘jowa for a day’ si Kyle

KINAKILIGAN ng publiko ang pagiging mag-jowa nang isang araw nina Andrea Brillantes at Kyle Echarri.

Sa vlog ni Blythe (nickname ni Andrea), makikita na binigyan siya ng bouquet of roses ni Kyle bago sila lumabas para mag-date.

“For today, meron na akong boyfriend–Mr. Kyle Echarri…Nag-break na tayo, nagkabalikan pa tayo?” ani Andrea sa simula ng vlog.

Nag-lunch muna ang dalawa bago gumala sa museum sa BGC at nag-heart-to-heart talk habang pauwi.

“See you soon, ex. Minahal kita nang anim na oras. Sayang hindi tayo nagtagal at hanggang dito na lang tayo,” ani Andrea sa pagtatapos ng vlog.