Andrea nakatanggap ng cash gift, halos himatayin sa tuwa

DALAWANG regalo ang natanggap ni Andrea Brillantes mula sa owner ng brand na kanyang ineendorso: isang Fendi bag at envelope ng cash!

Sa viral video, binisita ni Andrea si Glenda dela Cruz Victorio sa office nito para ibigay ang gift niya rito na Mickey Mouse bearbrick figure.

Inabot naman kay Andrea ni Miss Glenda ang box na naglalaman ng isang Fendi Peekaboo ISeeU Petite bag na nagkakahalaga ng $5,900 o P329,000.

Nagulat si Andrea nang makita ang isang white envelope na kasama sa kahon. Nang silipin ang laman, nagulat siya nang bumungad ang dalawang bundle ng mga tig-P1,000 bills.

“First time ko makatanggap ng envelope na may mga one thousand! Nakakatuwa, meron na akong pang-ibang bansa!” aniya sabay nagkunwaring hinimatay.

“Uy ang sipag naman kasi ni Blythe [mag-promote ng products],” sey naman ni Miss Glenda.