Taga-Quezon tumama ng P5.9M sa 6/42 Lotto

ISANG mananaya mula sa Quezon province ang nakatumbok ng winning combination sa bola ng 6/42 Lotto nitong Huwebes ng gabi na may jackpot prize na P5.9 milyon.

Nakuha ang winning numbers na 03-31-14-19-35-13 ng tiket na binili sa Sariaya, Quezon, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

May isang taon ang mananaya para i-claim ang kanyang napanalunan sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City.

Samantala, may 26 ibang bettors ang nanalo ng tig-P24,000 matapos makuha ang limang numero.

Binobola ang 6/42 Lotto tuwing Martes, Huwebes at Sabado.