Anak ni Carmina Villaroel nagpasaring din kay Darren?

LIKE mother, like daughter?

Makaraang intrigahin si Carmina Villaroel sa cryptic post na patama umano kay Darren Espanto, tila naglabas din ng sentimento ang ang anak ng aktres na si Cassy Legaspi na ayon sa netizens ay pasaring din sa male singer.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Cassy ang “My Favorite Crime” ng Fil-Am singer na si Olivia Rodrigo.

Ilan sa mga linya nito ay “Those things I did/Just so I could call you mine/The things you did/Well, I hope I was your favorite crime/ You used me as an alibi.”

Hinala ng netizens resbak ito ni Cassy kay Darren dahil na “friendzone” siya umano nito nang ianunsyo ng singer sa “It’s Showtime” na single siya.

Matagal nang nali-link si Darren kay Cassy bagaman kapag tinatanong ang real score sa kanila ay sinasabi lang nila na best friends sila.