Alden di raw pinondohan Aldub fans para manggulo

DINIPENSAHAN ni Cristy Fermin si actor/TV host Alden Richards sa bintang na binayaran nito ang mga Aldub fans para guluhin ang relasyon nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

“Yung bintang na si Alden Richards daw ang nagpondo du’n sa mga AlDub (fans) na nanggugulo pa rin ngayon at nagpipilit na may anak sila ni Maine,” sey ni Nay Cristy.

“Hindi naman po ganu’ng katanga si Alden Richards para pondohan ang mga taong walang ginagawang kapaki-pakinabang. Susmaryosep naman,” dagdag niya.

Hindi naman binanggit ni Cristy kung saan nagmula ang balitang paninira sa Kapuso actor.