Twitter is shutting down?

TRENDING sa social media ang #RIPTwitter matapos kumalat ang balita na magsasara na ito dulot ng mga pagbabago na nagaganap sa network giant matapos itong mapasakamay ng negosyanteng si Elon Musk.

Ilang tanggapan ang iniutos ni Musk na isara matapos ilang daang mga empleyado nito ang nagbitiw dahil hindi tanggap ang bagong vision ng negosyante para sa Twitter.

Ayon sa mga opisyal ng Twitter, iniutos ni Musk ang temporary na pagsasara ng kanilang mga tanggapan “effective immediately”.

Ang kanilang mga ID na siyang nagbibigay sa kanila ng access para makapasok sa opisina ay sinuspinde na rin, ayon sa mga balita.

Gayunman, bubuksan ang tanggapan sa Lunes.