Kylie forever sa puso ni Aljur

INAMIN ni actor Aljur Abrenica na hindi na mawawala sa puso niya ang ex-wife na si Kylie Padilla.

“Hindi naman siya mawawala dun. Hindi naman talaga siya mawawala, isang dekada kami magkasama. Part of myself is siya na e. Hindi ko alam kung paano ko i-put into words but hindi siya mawawala dun,” ani Aljur nang tanungin kung nasaan si Kylie sa puso niya.

Proud na proud naman umano si Aljur sa kanyang dating misis dahil mabuti itong ina.

“Ako, kay Kylie, I’m proud of her as a mom na tumatayo siya dun for the weekdays na wala yung tatay. Tas inaalagaan niya ng mabuti yung mga bata,” sey niya.

“Ang babait nung mga bata. Masaya ako kasi even though we’re separated, we’re still growing together na na-appreciate ko siya,” chika pa ng aktor.