Ai Ai umalma sa ‘Persona non grata’

INALMAHAN ng komedyanang si Ai Ai De las Alas ang pagdedeklara sa kanya at sa direktor na si Darryl Yap bilang persona non grata ng Quezon City Council.

Sa isang resolusyon, idineklara ng konseho ng Quezon City na mga persona non grata sina De las Alas at Yap dahil sa ginawang pang-iinsulto ng dalawa sa logo ng syudad at sa alkalde ng lungsod na si Joy Belmonte.

Sa isang kalatas, kinondena ni De las Alas sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Charo Rejuso-Munsayac ang nasabing resolusyon.

“We strongly condemn this act of the Quezon City council which endangers the protection granted by the freedom of expression for artists, entertainers, content creators, and comedians who use satire or parody to express sentiments or criticize public acts or figures,” ayon kay De las Alas.