Tirador ng bading, tiklo

SHOOT sa selda ang 22-anyos na binata na dinakip makaraang lasingin at pagnakawan ang bading na kanyang naka-date sa Cabanatuan City kamakailan.

Nahaharap sa kasong robbery si Kevin Carlos, 22, ng Cabanatuan City.

Ayon sa biktima, na hindi kinilala ng pulisya, nagkita sila ni Carlos sa motel kung saan nagkasundo silang uminom muna bago magniig.

Pinabayaan niya si Carlos na magtimpla ng kanilang iinumin, sabi ng biktima.

Matapos ang ilang tagay ay bigla siyang nakatulog at paggising ay wala na ang kanyang branded na bag na may laman na cellphone at pera.

Nasakote si Carlos sa follow-up operation.

Napag-alaman ng PUBLIKO na hindi ito ang unang beses na nambiktima ng beki ang suspek.

Inamin naman ng suspek na maraming bading ang nagtsa-chat sa kanya at gusto siyang maka-date.