Parak umuwi ng umaga, kinatay ni misis

NAHAHARAP sa kasong parricide ang ginang na umano’y sumaksak at nakapatay sa mister na isang pulis sa Palo, Leyte ngayong Sabado.

Dead on arrival sa pagamutan si S/Sgt. Kerwin Pasana, 47, pulis-Palo at residente ng Brgy. Pawing, dahil sa tinamong sugat sa katawan.

Inaresto ang misis niyang si Ronalyn, 33, makaraan ang pagpatay.

Ayon sa ulat, madaling araw na nang umuwi si Pasana kaya kinompronta ito ni Ronalyn na nagresulta sa away.

Sa gitna ng pagtatalo, kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak ang mister.

Naitakbo pa sa pagamutan ang pulis pero hindi na naisalba ng mga doktor ang buhay nito.