Parak nangholdap ng gas station, timbog

HULI sa akto ng kanyang mga kabaro ang isang pulis na hinoholdap ang gas station sa Trinidad, Bohol nitong Sabado.

Kinilala ang suspek na si Staff Sergeant Conchito Payac, 33, residente ng President Carlos P. Garcia, Bohol.

Ayon kay Col. Lorenzo Batuan, Bohol Provincial Police Office director, naaktuhan si Payac, nakatalaga sa Dauis police station, na tinatangkang nakawan ang gas station sa Purok 4, Brgy. Poblacion sa Trinidad.

Hindi na nakapalag ang suspek nang dakpin ng mga pulis.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na si Payac din ang responsable sa dalawa pang inisidente ng panghoholdap sa mga gasolinahan sa probinsya.