Paslit na dadalo sa Xmas party sawi sa aksidente

NAUWI sa trahedya ang dapat sana ay masayang Christmas party nang masawi sa aksidente ang limang-taong-gulang na pupil sa Mabini, Batangas kamakailan.

Ayon sa ulat, sakay ng tricycle ang biktima at kanyang ina patungo sa paaralan nang mabangga sila ng truck na nawalan ng preno.

Nagtamo ng mga matinding pinsala sa ulo at katawan ang paslit na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Tumilapon naman sa kalsada ang ina ng biktima at ngayon ay ginagamot sa ospital.
Napag-alaman na patungo ng paaralan ang bata para sa kanyang kauna-unahang Christmas party bilang mag-aaral.