Leyte inuga ng magnitude 5.1 na lindol

INUGA ng magnitude 5.1 na lindol ang Leyte kaninang alas-8:28 ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol na may lalim na isang kilometro, tatlong kilometro silangan ng Leyte, Leyte.

Naramdaman ang ang Intensity III sa Alangalang, Carigara, Babatngon, Barugo, Tacloban City, at Ormoc City, Leyte

Bukod dito, naitala naman ang Instrumental Intensity IV sa Carigara, Leyte; Instrumental Intensity III sa Alangalang, Ormoc City, Leyte; Instrumental Intensity II sa Calubian, Albuera, Leyte at Instrumental Intensity I sa Borongan City, Eastern Samar; at Bogo City, Cebu.

Wala namang inaasahang pinsala, bagamat posibleng makaranas ng mga aftershocks, ayon sa Phivolcs.