Lasing naglinis, kamay nataga

SUGATAN ang 32-anyos na lalaki na nataga ang kamay habang naglilinis ng kanilang bahay sa Kalibo, Aklan nitong Martes.

Kasalukuyang ginagamot sa Aklan Provincial Hospital ang hindi-kinilalang biktima na naputulan ng ugat dahil sa pangyayari.

Ayon sa ina ng biktima, nililinis ng anak ang mga sukal sa paligid ng kanilang bahay sa Brgy. Kinalangay Viejo nang aksidenteng matamaan ng taga ang kamay nito.

Aniya, nakainom ng alak ang anak bago nito nagdesisyong linisin ang mga kalat.

Agad namang nadala sa pagamutan ang biktima bago pa ito maubusan ng dugo.