Kelot kulong sa 7 piraso ng kojic soap

SHOOT sa kulungan ang 31-anyos na lalaki na nag-shoplift umano ng pitong piraso ng kojic soap sa isang supermarket sa Daraga, Albay.

Ayon sa ulat, hindi pinayagang makalabas ng sekyu ang suspek, na hindi kinilala, nitong Biyernes ng hapon.

Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang P118 halaga ng sabon.

Hindi na nakapalag ang suspek. Hindi naman niya sinabi kung para kanino ang sabon.

Nahaharap sa kasong theft ang kawatan.