Bus sinunog: 3 todas, 6 sugatan

PATAY ang tatlong pasahero habang sugatan ang anim na iba pa makaraang sunugin ang sinasakyan nilang bus sa M’lang, South Cotabato nitong Huwebes.


Nasawi sina Johny Roy Ramil Jr., Hazel Gallardo at Arnold Patron. Ginagamot naman sa ospital ang iba pang biktima.


Ayon sa ulat, sumakay ang dalawang suspek sa Brgy. Bialong at agad binuhusan ng gasolina ang mga upuan at sahig.


Makaraang silaban ay bumaba ang mga suspek at tumakas.


Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa atake.


Nag-alok naman ang mga lokal na opisyal ng M’lang ng P100,000 pabuya sa makapagtuturo sa nasa likod ng panununog.