Alma Moreno dedma sa utang isyu

NANANATILING tahimik ang kampo ng aktres na si Alma Moreno na “ipina-Tulfo” kamakailan dahil sa hindi umano pagbabayad ng renta at kuryente sa inupahan niyang condo unit.


Kamakailan ay dumulog sa “Raffy Tulfo in Action” ang isang Theresa Grenard para ireklamo ang aktres na bigla na lang daw nilayasan ang unit nang walang pasabi.


Ayon kay Grenard, inupahan ni Moreno ang kanyang unit sa Parañaque nang isang buwan pero na-extend pa nang limang buwan.


Binayaran naman daw ni Moreno ang unang buwan.


Sinabi ni Grenard, kapatid ng tauhan ni Moreno, na hindi niya irereklamo sa pulis ang aktres at hindi rin niya hahabulin ang renta para sa limang buwan.


Aniya, ang gusto lang niya ay bayaran ni Moreno ang P40,000 bill ng kuryente.


Dagdag ni Grenard, hindi nagpapakita sa kanya ang aktres kaya nagdesisyon siyang ipa-Tulfo ito. –A. Mae Rodriguez