Jungkook ng BTS magpe-perform sa FIFA World Cup 2022

MAY aabangan ang ARMYs ngayong November 21 dahil bibida si Jungkook ng popular na K-po na BTS sa opening ceremony ng FIFA World Cup 2022.

Isa si Jungkook sa listahan ng mga performers na magbibigay ng dagdag saya at enerhiya para sa pagbubukas ng FIFA World Cup na magsisimula sa Nob. 21 hanggang 23.

Inanunsyo rin ng Big Hit Music nitong Sabado na kasama rin si Jungkook sa soundtrack ng World Cup na kabibilangan ng iba pang artist sa mula sa ibang bansa.

“Proud to announce that Jung Kook is part of the FIFA World Cup Qatar 2022 Soundtrack & will perform at the World Cup opening ceremony. Stay tuned!” tweet ng Big Hit.