5 patay, 1 sugatan sa pamamaril, pagsabog sa CamSur

LIMA ang patay, 1 sugatan matapos ang pamamaril at paghahagis ng granada sa loob ng dalawang bahay sa Milaor, Camarines Sur Biyernes ng hapon.

Pinaghahanap pa ang salarin na nakilalang si Arturo De Leon.

Kinilala ang mga biktima na sina Romeo de Leon, 72; Samuel Cobilla Jr, 21; Noela Agliones, 7; Hobbie John Britanico, 6; at Robbie John Britanico, 4 samantalang sugatan naman si Hades John Britanico, 7.

Nangyari ang insidente sa Zone 1, Brgy. Tarusanan, ganap na alas- 5:30 ng hapon,

Base sa imbestigasyon, nanood ng telebisyon si Romeo nang bigla na lamang pumasok si Arturo at walang habas na nagpaputok gamit ang M16 rifle.

Pagkatapos ang isununod ni Arturo ang katabing bahay ni Luzviminda Cobilla at ipinagpatuloy ang pamamaril.

Itinakip naman ni Samuel ang kanyang katawan para protektahan ang kanyang nanay na si Luzviminda,

Hindi pa nakuntento, isinunod ni Arturo ang pag-detonate sa isang Granada sa kusina ng bahay, dahilan para tamaan si Noela.