3-anyos ni-rape ng ama ng kalaro


INIREKLAMO ang lalaki na ginahasa umano ang tatlong-taong-gulang na kalaro ng kanyang anak sa Dagupan City, Pangasinan.


Sa kasalukuyan ay nakalalaya pa rin ang suspek dahil hinihintay pa umano ng pulisya ang warrant of arrest para rito.
Wala namang magawa ang pamilya ng biktima kundi magngitngit sa galing tuwing nakikitang pagala-gala ang suspek.


Base sa reklamo, nadiskubre ng ina ng biktima na may dugo sa shorts ng anak nitong Lunes.


Bago ito, nakita ang suspek na ipinasok sa kanyang bahay ang biktima habang naglalaro ang huli at ang kanyang anak.


Lumabas sa medico-legal na nagalaw ang paslit.