Lalaking pumatay, kumain sa ina makukulong ng 15 taon

HINATULAN ng mahigit 15-taong kulong ang isang lalaki na pinatay sa sakal ang sariling ina bago kinain ang bangkay nito sa Madrid, Spain noong 2019.


Ayon sa korte, matino ang pag-iisip ni Albert SG, ang tinaguriang “Cannibal of Ventas, nang maganap ang krimen kaya kailangan niyang makulong.


Bubunuiin ni Albert SG ang 15-taon kulong dahil sa kasong homicide at limang buwan para sa ginawa niyang pagtadtad at pagkain sa bangkay ng ina.


Naganap ang pagpatay noong 2019 makaraang mag-away ang akusado at ang kanyang ina sa Ventas, Madrid.
Matapos patayin sa sakal ang ina, kinaladkad niya ang bangkay sa silid saka nilagare at pinagpira-piraso ang katawan.


“He began eating the remains over the course of about 15 days, storing other parts in various plastic containers around the house and in the fridge,” ayon sa otoridad.


Ang ibang natirang bahagi ng katawan ay itinapon niya sa basurahan.


Inamin din ni Albert SG na niluto at ipinakain rin niya sa alaga nilang aso ang bangkay ng ina.


Dinakip ang akusado noong Pebrero 23, 2019 makaraang iulat ng kapitbahay na nawawala ang biktima.