1 patay, 1 pa nawawala sa lumubog na barko

ISA ang nasawi habang isa pa ang patuloy na pinaghahanap ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard matapos lumubog ang pampasaherong barkong Mama Mary Chloe Linggo sa Bato, Leyte.

Bago ang paglubog, isang sunog ang sumiklab sa loob ng barko na galing sa Ubay, Bohol at patungo sana sa Bato, Leyte. Nangyari ang insidente sa karagatan ng Brgy Tugas, Tugas Island at Brgy Tilmobo, Tilmobo Island, Cebu.

Ayon pa sa PCG patuloy ang paghahanap sa nawawalang pasahero.

“Naging mabilis ang pag-rescue sa mga crew at pasahero sa tulong ng mga motorbanca na naglalayag sa katubigan nang maganap ang insidente,” dagdag ng PCG. Inaalam pa ang sanhi ng sunog, ayon sa Coast Guard.