Angeline ikakasal na; buntis sa baby no. 2

IKAKASAL sa Abril 25 ang singer-actress na si Angeline Quinto sa kanyang long-time non-showbiz boyfriend na si Nonrev Daquina, ayon sa showbiz insider na si Ogie Diaz.


Sa kanyang “Showbiz Update” vlog, sinabi rin ni Ogie na ayon sa kanyang source ay masusundan na si Sylvio, ang anak nina Angeline at Nonrev.


“Balita ring buntis si Angeline sa 2nd baby nila ni Nonrev kaya magkakaroon na ng kapatid si Baby Sylvio. Kung totoo man ito, congratulations Angeline at Nonrev!” ani Ogie.


Ayon sa talent manager at showbiz writer, bigatin ang mga magiging ninong at ninang sa kasal ng dalawa.


“Ikakasal na ang “Queen of Teleserye Songs” na si Angeline Quinto sa partner nitong si Nonrev Daquina,” ani Ogie.


“Mga bigatin ang mga ninong at ninang sa wedding at kasama na raw dyan si Manila Mayor Honey Lacuna at ilang bossing ng ABS-CBN,” sey pa niya.


At dahil parehong na deboto ng Nazareno, napagdesisyunan nina Angeline at Nonrev na sa Quiapo Church ganapin ang kanilang kasal.


Matatandaang nagkakilala sina Angeline at Nonrev noong March 2020.