3 NPA patay sa sagupaan sa Iloilo

TATLONG hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay matapos makipagbakbakan sa mga sundalo ng Philippine Army’s 61st Infantry Battalion (6IB) sa liblib na lugar na barangay sa bayan ng Leon, Iloilo nitong Biyernes.

Ang mga napatay ay mga miyembro diumano ng NPA Sibat Platoon, Southern Front, Komiteng Rehiyon-Panay, ayon sa militar.

Naganap ang sagupaan sa boundary ng barangay Cagay at Danao nitong Biyernes.