Robredo bukas sa pagtakbo sa pagkapangulo

IAANUNSYO ni Vice President Leni Robredo sa tamang panahon kung tatakbo o hindi siya sa pagkapangulo sa 2022 elections.


Ito ang sagot ni Robredo sa inihayag ng dating Sen. Antonio Trillanes IV na ang pagiging gobernador ng Camarines Sur ang tinarget niya.


“Sa gitna ng maraming haka-haka, uulitin ko lang ang ilang beses ko na ring sinabi: Wala pang desisyon na ako’y tatakbong gobernador. Nananatili akong bukas na maging kandidato sa pagka Pangulo,” ani Robredo sa Facebook.


“Maraming konsiderasyon ang isinasaalang-alang pero siguradong mag-dedesisyon ako sa tamang panahon. Sinisiguro ko sa lahat na ipapaalam ko kung may narating nang desisyon,” dagdag ng bise presidente.