Pacquiao pormal na inendorso ng Pacman-Pimentel wing

PORMAL nang inendorso ng breakaway group ng PDP Laban ang kandidatura ni Sen. Manny Pacquiao bilang presidente sa 2022 elections.

Kabilang si Sen. Koko Pimentel sa paksyon na sumusuporta kay Pacquiao.

Tinanggap naman ni Pacquiao ang nominasyon sa kanya matapos ang isinagawang national assembly ng paksyon nito ngayong araw.

Nauna namang prinoklama ng paksyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang kandidatura nina Sen. Christopher “Bong” Go at Pangulong Rodrigo Duterte. Tatakbo si Go na presidente samantalang vice president naman si Duterte.