Ex-President Duterte kinasuhan

INASUNTO ng kasong kriminal ni ACT-Teachers Party-list Rep. France Castro si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Quezon City Prosecutors Office kaugnay nang umano’y pagbabanta sa kanyang buhay.

Sinabi ni Castro na kasong grave threat o paglabag sa Article 282 ng Revised Penal Code ang isinampa kay Duterte sa harap ng seryosong epekto sa kanyang kalayaan at seguridad.

Ito’y kaugnay sa umereng episode na “Gikan sa Masa, Para sa Masa” sa SMNI kung saan sinabi ni Duterte ang mga katagang “Pero ang una mong target d’yan [sa] intelligence fund mo, kayo, ikaw France, kayong mga Komunista ang gusto kong patayin.”

Ayon sa abogado ni Castro na si Dean Tony La Viña na posibleng maharap si Duterte sa pagkakakulong at multa sakaling mapatunayang guilty sa grave threat.