Digong: Naibigay ko kung anong ipinangako ko

IPINAGMALAKI ni Pangulong Duterte na naibigay niya ang kanyang mga naipangako ngayon na
nalalapit na ang pagtatapos ng kanyang termino sa Hunyo 2022.

“Ako na ang bahala sa sarili ko at least naibigay ko kung anong pinangako ko, law and order,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Taytay, Rizal.

Idinagdag ni Duterte na bukod sa peace and order, naideliber din niya ang libreng edukasyon, healthcare at imprastraktura.

“I promised you free education, iyong tertiary. Nandiyan na. Dineliver ko na. I promised you healthcare. Nandiyan na ‘yung healthcare. ‘Pag wala kang pera sa ospital, may table diyan, hindi ka na mamamasahe kay sabi ko diyan na mismo.


Maski sa Davao, diyan sa Davao nag-umpisa ‘yan eh,” ayon pa kay Duterte.

“Infrastructure, kayo na lang ang… I leave it to you to judge whether… Iyon lang mga…pangako ko,”ayon pa kay Duterte.