Digong: PH magiging target ng China sakaling sumali sa gera ng Russia vs Ukraine

NAGBABALA si Pangulong Duterte na posibleng maging target ng China ang Pilipinas at Taiwan sakaling sumali ito sa panggigiyera ng Russia sa Ukraine.

“Kaya kung magka leche-leche ito, ‘pag sumali ang China, they would probably hit Taiwan and Philippines. Sigurado ‘yan, sigurado ako kasi nandito nga sila eh,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Taytay, Rizal.

Ito’y dahil na rin aniya, sa pananatili ng mga tropa ng Amerika sa bansa.

“Kung may giyera, tatamaan talaga tayo because nandito ‘yung Amerikano at marami silang armas na nandito,” aniya.