Digong aatras kung tatakbo si Sara sa pagkapangulo

HANDA umanong umatras sa vice presidential race si Pangulong Duterte sa sandaling tumakbo sa pagka-pangulo ang anak na si Davao City mayor Sara Duterte.

Maski ang presidential runningmate ni Duterte na si Senador Bong Go ay aatras din sa sandaling tumakbo ang anak ng pangulo.

Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa TV program na The Source.

“He said that if Mayor Sara runs, then he is considering not running for vice president,” ayon kay Nograles.

“He said na yung Duterte-Duterte to him — and he’s always consistent diyan — sabi niya, ‘pag Duterte-Duterte parang, to him, he is not convinced that it should happen, at least itong 2022 national elections,” paliwanag pa ni Nograles, na ikinukonsidera rin ng PDP-Laban na maging senatorial candidate.

Nitong Martes, pormal na tinanggap ng pangulo ang nominasyon ng kanyang partido bilang pambato para sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.