Dating aide sasampahan ng libel ni Pacquiao

NAKATAKDANG sampahan ng kasong libel ni Sen. Manny Pacquiao sa dating aide na si Jake Joson na ipinagkalat umanong nanghingi siya ng advance payment sa isang laban na hindi natuloy.


Ayon sa legal counsel at spokesperson ni Pacquiao, sinabi umano ni Joson na nanghingi ng advance payment na P165 milyon ang senador sa laban nito kay Conor McGregor sa Las Vegas.


“We categorically deny [Joson’s statements]. Ito po ay likhang isip at hindi po ito totoo,” ayon kay Atty. Nikki de Vega, labogaso ni Pacquiao.


“Walang legal personality si Jake Joson sa larangan ng boxing… Nagtataka kami kung saan nanggagaling ang ganung sinasabi,” dagdag pa nito.


Ayon pa kay De Vega, tinulungan dati ni Pacquiao si Joson na bayaran ang bahay nito. –A. Mae Rodriguez